Dagupan City – Naaresto ang tatlong babae sa isang operasyon laban sa illegal na sugal sa bayan ng Pozorrubio.

Sa ulat mula sa Pozorrubio Police Station, nagsimula ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa naglalarong tong-its sa isang open area sa nasabing bayan.

Agad na nagsagawa ng isang anti-illegal gambling operation ang mga pulis, at sa kanilang pagkilos, nadakip ang tatlong suspek habang nagsasagawa ng laro.

--Ads--

Kinumpiska mula sa kanila ang isang set ng playing cards at P1,725.00 na karamihang bet money sa iba’t ibang denominations.

Pawang mga residente ng Pozorrubio ang mga naaresto gaya ng isang 58 taong gulang na may asawa at walang trabaho, isang 53 taong gulang na walang asawa at walang hanapbuhayan, at isang 57 taong gulang na may asawa at walang trabaho.

Agad silang dinala sa Pozorrubio Community Hospital para sa kanilang medical examination, at mula rito, inihain sila sa Pozorrubio MPS upang isailalim sa kaukulang disposisyon.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Gambling Law, habang patuloy ang imbestigasyon upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa nasabing bayan.

Patuloy ang kampanya ng mga otoridad laban sa iligal na sugal upang mapanatili ang maayos na takbo ng serbisyo publiko at proteksyon ng mga residente.