DAGUPAN CITY- Inaresto ang 3 Hongkong citizens dahil sa hinalang sila umano ang nagsimula ng sunog sa isang high-rise residential building sa Tai Po district.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Hanelyn Annoyan, Bombo International News Correspondent sa Hongkong, nagsimula umano ang insidente sa kapabayaan sa isang upos ng sigarilyo.

Samantala, patuloy pa rin ang pag-apula ng mga bumbero sa sunog dahil sa malakas na hangin.

--Ads--

Ani Annoyan, nahihirapan pasukin ng mga bumbero ang itaas na bahagi ng gusali dahil sa lakas din ng sunog sa loob nito.

Dahil dito, apektado ang ilang mga operasyon ng trabaho, lalo na sa mga nasunugan.

Nagdulot din ito ng trapiko dahil sa kinailangan isara ang daan sa harapan ng naturang gusali.

Pumalo naman na sa hindi bababa sa 65 ang nasawi at halos 300 na ang naitalang nawawala.