Nabigyan ng pagkilala ang tatlong Filipino filmmakers mula sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa pagkapanalo nila sa International Film Festival.
Kinilala ang tatlong world-class Pangasinan filmmakers na sina Khent Cacho director ng pelikulang Ora Miss Mo, Hannah Ragudos , director ng Ana Bikhayr, at Mark Giddel Liwanag director ng Sa Layag ng Bangkang Paurong.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa grupo, nagkakaisang sinabi ng mga ito na hindi nila inaasahan na mananalo sila sa International festival.
Masayang masaya sila sa mga natatanggap na papuri sa kanilang mga nagawa.
Ito ay isa umanong magandang opportunidad upang sila ay makakilala ng ibang mga filmmakers at aktors at nang makakuha ng mga karagdagang kaalaman sa paggawa ng pelikula.
Matatandaan na ang tatlo ay binigyang parangal sa Film Ambassadors’ Night, sa Manila Metropolitan Theater nitong Feb. 27.
Ang grupo ay kabilang sa 77 outstanding Filipino Film Ambassadors na ginawaran ng award ng Film Development Council of the Philippines.