Tatlong pasyente ang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19 sa bayan ng Lingayen dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ay base na rin sa pinakahuling talaan ng Municipal Health Office kung saan kasabay nito ay naitala rin ang 17 karagdagang nagpositibo matapos lumabas ang RT-PCR ng mga ito.

Habang labing dalawa (12) naman ang naitalang recovered patients.

--Ads--

Nagpaalala naman ang naturang LGU sa publiko na ugaliing sumunod sa health protocols upang makaiwas sa banta COVID-19 sa kanilang kalusugan.