Inihain ng Department of Justice (DOJ) ngayong araw, August 11, 2026, ang tatlong counts ng kasong Grave Threats laban kay Vice President Sara Duterte sa Regional Trial Court ng Quezon City.
Gayunpaman, ibinasura ng DOJ ang reklamong Inciting to Sedition na unang inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa kanya.
Pinalagan ng kampo ng Bise Presidente ang naging hakbang na ito sa pamamagitan ng kanyang legal counsel mula sa Chua Lim & Associates na si Atty. Paul Lawrence Lim. Ayon kay Lim, inaasahan at pinaghandaan na ng kanilang legal team ang ganitong desisyon.
Iginiit ng abogado na sa ilalim ng batas, nananatiling inosente ang Bise Presidente at may tiwala silang maibabasura rin ang mga reklamong ito.
Binigyang-diin din ng legal counsel na bilang isang kasalukuyang impeachable officer, hindi maaaring kasuhan ang Bise Presidente ukol sa isang umanoy probisyon o paglabag na sakop din ng kasalukuyang kasong impeachment laban sa kanya.
Dahil sa mga seryosong isyung legal na ito, tiniyak ng kampo ng Bise Presidente na gagamitin nila ang lahat ng mga available na legal remedies sa tamang panahon.
“We confirm that today, the DOJ filed 3 counts of Grave Threats cases against the Vice President with the Regional Trial Court of Quezon City. The DOJ dismissed the NBI’s complaint for Inciting to Sedition. Under prevailing circumstances, we have anticipated and prepared for such an outcome. Under our laws, the Vice President continues to be presumed innocent and is confident that the charges against her will ultimately be dismissed,” wika ni Atty. Paul Lawrence Lim, abogado ni VP Duterte.










