Inihirit ng Department of Labor and Employment o DOLE ang tatlong buwan na wage subsidy at 4 days work a week sa mga minimum wage earners.

Ayon kay Rolly Francia, Director ng DOLE information and Publication service, hindi na ito bagong konsepto dahil humingi na noon ang DOLE ng wage subsidy sa kasagsagan ng pandemya. Pero hindi nangyari dahil marahil ay may ibang priority ang pamahalaan.

Ito ay muling inihirit ng kagawaran sa harap ng tuloy tuloy na pagbulusok ng halaga ng poduktong petrolyo.

--Ads--

Sinabi ni Francia na base sa kanilang kahilingan umaabot sa humigit kumulang na P5000 na karagdagang sweldo sa isang buwan kung kayat P15,000 sa loob ng tatlong buwan ang dapat tanggapin ng mga manggagawa upang makaagapay sa tumataas na mga bilihin ngayon.

Sa ngayon ay hinihintay na lamang nila ang pag apruba ni pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing wage subsidy program.

Hindi rin naman tutol ang DOLE na magkaroon ng 4 days work week.

Ayon kay Francia, ang nasabing sistema ay puwede lang mangyari sa ilalim ng discretion ng management at may consent ang mga mangagagawa.

Ibig sabihin ay dapat mapagkasunduan ang sistemang ito ng employer at mga mangagawa.