Patay ang tatlong bata habang dalawang iba pa ang nawawala matapos nalunod sa isang ilog sa barangay Salinap sa lungsod ng San Carlos.
Ayon kay pol lt. col. Garie Noel Pascua , chief of police sa lungsod ng San Carlos kinilala ang mga biktima na sina Gemma Sunida, 10 anyos, Jaypee Lacaba, 12 anyos at Sheryl Perania 13 anyos, pare parehong residente ng barangay Salinap.
Kinilala naman ang mga nawawala na sina Dionisio Lacaba, 7 anyos at Raymart Peralta, 7 anyos.
--Ads--
Nagkakayayaan umano ang lima na maligo sa ilog, pero aksidenteng napunta sa malalim na bahagi ng ilog ang mga biktima.
Nabatid na halos taun taon ay may nalulunod sa lugar.
Kaugnay nito, pinayuhan ang mga tao na nagbabalak magtungo sa ilog na delikado ang maligo sa lugar.