Dagupan City – Naging puspusan ang mga paghahanda ng City Health Office ng Dagupan City para sa kasalukuyang isanasagaw na tatlong araw na Medical, Surgical at Dental Mission na isinagawa sa Dagupan City Astrodome kahapon Enero 30 hanggang Pebrero 1.
Ayon sa City Health Office, isinagawa ang mga kinakailangang paghahanda bago ang pagsisimula ng medical mission, kabilang ang pag-aayos ng mga pasilidad, kagamitan, at sistema ng daloy ng mga pasyente upang matiyak ang maayos na operasyon ng aktibidad.
Kinumpirma ni City Health Officer II Dr. Maria Julita De Venecia na maagang dumating ang mga gamot at iba pang medical supplies mula sa Estados Unidos na gagamitin sa medical mission.
Bahagi rin ng aktibidad ang delegasyon ng mga doktor mula sa US na nakipagtulungan sa lokal na pamahalaan at sa mga health worker ng lungsod.
Tinatayang 77 medical professionals mula sa Estados Unidos ang kabilang sa medical team, na binubuo ng mga doktor, nurse, dentista, at physical therapist na nagbigay ng serbisyong medikal sa mga pasyente sa loob ng tatlong araw.










