Nasunog ang 3-4 na bahay sa Sitio Malta sa Barangay Malued kung saan natupok din ng apoy ang isang Ancestral House na higit 100 taon ang tanda.

Napag-alaman naman na nagsimula ito bandang 10:30 ng umaga ngayong araw.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Andrew Sanchez- Apo ng isang may-ari ng bahay unang nakita ng kaniyang ina ang sunog kaya’t agad itong lumabas at nagtungo sa kanilang kapitbahay.

--Ads--

Agad namang tumawag ang mga ito ng bumbero upang maapula ang nasabing sunog.

Pagbabahagi nito na siya ay natakot at umiyak dahil akala niya ay namatay ang kaniyang mga alagang pusa sa loob ng kanilang bahay.

Samantala, mabuti na lamang at walang naipaulat na nasawi gayunpaman ay wala din silang naisalbang gamit.

Inaasahan sanang ang kanilang ancestral house ang tutuluyan ng kanilang mga bisita upang sama-samang ipagdiwang ang bagong taon.

Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa ang pinagmulan ng sunog at ang kabuuang danyos ng nasabing insidente.