DAGUPAN, CITY— Nanawagan si 2nd District Board Member Von Mark Mendoza sa mga private vehicle groups sa lalawigan na makipagkoordina sa Sanguniang Panlalawigan ng Pangasinan patungkol sa isyu kaugnay sa Private Motor Vehicle Inspection Center.

Ito ay kaugnay na rin sa isasagawang Public briefing ng naturang tanggapan sa Pebrero 15 hinggil na rin sa naturang usapin.

Ayon kay Mendoza, upang mapakinggan sa pormal na paraan ang hinaing ng mga motorista ng parehong pampubliko at pribadong grupo, ay nararapat na makipag-ugnayan sila sa kanilang tanggapan upang mas matalakay ang naturang usapin.

--Ads--

Mas maigi umano na mapag-usapan sa “formal and dignified manner” ang naturang isyu upang maging maayos ang magiging pasya ng pamahalaang panlalawigan sa pagbibigay ng direktiba kaugnay sa naturang usapin na siya ring susundin ng mga Local Government Unit (LGU).

Tinig ni 2nd District Board Member Von Mark Mendoza

Sa mga nais umano na makadalo sa naturang briefing ay makaipag-ugnayan lamang umano ang mga miyembro ng vehicle groups o association sa kanilang tanggapan sa pamamagitan ng pakikipagkoordina sa Sangguniang Panlalawigan Secretary, o pagbibigay mensahe sa messenger account ng naturang Board Member.

Bukod pa rito, ay kanila ring ipapatawag ang mga kinatawan ng DOTR at LTO upang mapakinggan din ang kanilang rason sa paggawa ng kanilang hakbang.