BOMBO DAGUPAN – Nananawagan ang Bureau of Customs (BOC) sa overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang mga pamilya na i-claim ang 294 balikbayan boxes na dinala sa Pilipinas noong 2023.
Ayon sa BOC, ang balikbayan boxes ay dumating sa Pilipinas mula Kuwait noong Feb. 12, 2023 at nakaimbak sa isang bodega sa Santa Ana, Manila.
Maaaring i-check ng mga OFW at kanilang mga pamilya ang kanilang unclaimed balikbayan boxes sa BOC website.
Sa pag-claim ang balikbayan boxes, ang recipients ay kailangang magprisinta ng mga sumusunod na dokumento: passport ng sender (original o photocopy); one valid government-issued ID (original at photocopy); at proof of shipping tulad ng invoice o bill of lading (original at photocopy).
Sakali namang magki-claim ng balikbayan boxes para sa ibang tao, kailangang na mag prisinta ng mga karagdagang requirements gaya ng notarized authorization letter o special power of attorney; at valid ID ng representative.
Para sa mga katanungan, maaaring tumawag sa BOC sa (02) 8705-6000 o mag-email sa boc.cares@customs.gov.ph.