Dagupan City – Naaresto sa San Nicolas ang isang 29-anyos na lalaki matapos makuhanan ng iligal na droga at baril sa kanyang bahay.

Kinilala ang suspek bilang isang mekaniko at residente ng nasabing bayan.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang suspek ay itinuturing na high-value individual (HVI) sa kanilang listahan.

--Ads--

Isinagawa ang operasyon sa bisa ng search warrant dahil sa paglabag umano nito sa Republic Act 10591 (ukol sa baril) at Republic Act 9165 (ukol sa droga).

Nakuha sa bahay ng suspek ang 12.58 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng PhP85,544.00, isang kalibre .38 baril na may bala, at iba pang drug paraphernalia.

Naging matagumpay ito dahil isinagawa ang operasyon sa pinagsanib na pwersa ng iba’t ibang unit ng pulisya at PDEA upang malabanan ang illegal na droga at illegal na pagmamay-ari ng baril.