Arestado ang isang 29 anyos na lalaki matapos mamilit na makipagtalik bago i-delete ang nude pictures ng isang 18-anyos na estudyante sa bayan ng Manaoag Pangasinan.


Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Police Maj. Fernando Fernandez Jr. OIC ng Manaoag PNP sa isinagawa nilang entrapment operation katuwang ang Cybercrime Unit Region I ay naaresto ang suspek matapos na maaktuhan na pinipilit nitong isakay ang biktima sa kaniyang motorsiklo para magtungo sa isang motel sa bayan naman ng Mangaldan upang makipagtalik sa kaniya kapalit ng pagbura ng ipinadala nitong nude pictures .

Hindi na rin aniya makatanggi ang suspek sa akusasyon laban sa kaniya dahil na rin sa mga nakalap na ibedensiya tulad ng kaniyang cellphone at sa biktma.

--Ads--


Kasong grave coercion ang kinakaharap ngayon ng suspek na nananatili sa kustudiya ng kapulisan.


Nabatid na nagkakilala lamang ang dalawa sa social media at ito ang kauna-unahang pagkakataon ng kanilang pagkikita.


Batay naman sa ibinigay na pahayag ng ina nito, mayroong ibang kasintahan ang suspek.


Nagpaalala naman si Fernandez lalo na sa mga kabataang babae na huwag magbibigay ng mga sensitibong larawan sa mga nakikilala nila sa social media kahit pa itoy kanilang kasintahan upang hindi matulad sa biktima.