BOMBO DAGUPAN – Patay ang nasa 28 pasahero matapos bumaliktad ang sinasakyan na bus na may lulang Pakistani pilgrims sa Iran.

Nangyari ang pagbaliktad ng bus sa lalawigan ng Yazd sa Central Iran dahil sa umanoy defective braking system, ayon na rin sa ginawang pagsisiyasat ng mga police.

Samantala, may 23 iba pang pasahero ang nasugatan , pitu sa kanila ay kritikal.

--Ads--

Nabatid na ang mga pilgrims ay papuntang holy city ng Karbala upang gunitain ang isa sa pinakamalaking events sa Shia calendar.

Kabilang sa mga nasawi ang 11 kababaihan at 17 kalalakihan.

Ang Iran ay notorious sa pagkakaroon ng poor traffic safety record, na kung saan nasa 20,000 ang naitatalang nasasawi dahil sa mga aksidente.