Umabot sa 128 na aplikante ang sumailalim sa panayam para sa Government Internship Program (GIP) kahapon bilang bahagi ng pagpapatupad ng programang nagbibigay ng oportunidad sa trabaho para sa mga kwalipikadong mamamayan.
Pinangunahan ang interview ng Public Employment Service Office (PESO) Dagupan sa pangunguna ni PESO Manager Joy Siapno.
Layunin ng proseso na matukoy ang mga aplikanteng magiging bahagi ng internship program sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan.
Ayon sa mga opisyal, ang naturang employment opportunity ay naisakatuparan sa pamamagitan ng suporta ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ni Congresswoman Manay Gina De Venecia.
Naging mahalaga rin ang mabilis na koordinasyon at implementasyon ng programa ng PESO Dagupan City upang maisagawa ang recruitment process.
Inaasahang mabibigyan ng pagkakataon ang mga mapipiling aplikante na magkaroon ng pansamantalang trabaho at makakuha ng karanasan sa serbisyo publiko sa ilalim ng Government Internship Program, na layong mapaunlad ang kanilang kakayahan at mapalawak ang kanilang oportunidad sa hinaharap.










