DAGUPAN CITY — Wala ng buhay ng matagpuan ng isang ama ang kanyang 28-anyos na anak na nakalambitin mula sa ceiling post sa loob ng isang kwarto sa kanilang bahay sa lungsod ng San Carlos.


Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PLt.Col. Jose Abaya, II, Chief of Police ng San Carlos City Police Station, sinabi nito na madaling-araw kamakailan nang madiskubre ni Marcelo Aquino na nakalambitin na mula sa kisame ng kanilang family house ang biktima na kanyang anak na si Denmark Aquino, 28-anyos, at residente ng Brgy. Capataan sa nasabing lungsod, gamit ang isang nylon rope na nakatali sa kanyang leeg.


Sa isinagawang imbestigasyon ng kapulisan napagalaman na nasasabi ng biktima sa ama at asawa nito na nais nitong kitilin ang kanyang sariling buhay dahil sa pinansyal na problema at pangangailangan.

--Ads--


Aniya na isinagawa nito ang kanyang binabalak sa family house ng biktima sapagkat wala umano gaanong umuuwi at pumupunta roon, lalo na tuwing gabi at madaling-araw.


Sinabi pa ng pamilya ng biktima na kumbinsido silang walang anumang nangyaring foul play sa nasabing pangyayari at ito ay purong suicide incident.


Sa kasalukuyan ay nakalagak na ang mga labi ng biktima sa holding area ng isang funeral home sa Brgy. Palaris sa parehong lungsod at naghihintay na lamang ng Postmortem examination na isasagawa ng City Health office.


Kaugnay nito ay bilang bahagi naman ng kanilang mga mekanismo at hakbangin sa paglaban at pagsugpo sa mga ganitong insidente ay naglulunsad sila ng mga house visitation kung saan ay pinapayuhan nila ang publiko na kung may problema silang kinakaharap ay huwag nila itong kimkimin at bagkus ay ibahagi ito sa kanilang mga mahal sa buhay o mga pinagkakatiwalaan.