DAGUPAN, CITY— Nasawi ang 28-anyos na lalaki na nagmamaneho ng motor matapos masalpok ng humaharurot na kotse sa Barangay Bonifacio, sa siyudad ng San Carlos.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Dagupan, nakilala ang biktima na si si Raymark Estabillo na residente sa naturang lugar.

Ayon sa mga kapulisan, lasing ang driver ng kotse dahilan upang hindi nito na nakontrol ang kanyang pagmamaneho.

--Ads--

Sa lakas ng impact ng banggaan ay tumilapon ang biktima na siyang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Labis naman ang hinagpis ng tatlong anak na naulila ng biktima.

Nagbigay ang pamilya ng 21-anyos na driver ng kotse ng 200,000 sa pamilya ng biktima para iurong ang kaso.