Dagupan City – Arestado ang pandesal vendor matapos umano nitong tangayin ang tricycle at kita ng panindang tinapay sa bayan ng Malasiqui.
Batay sa Malasiqui PNP, nagtungo sa himpilan ang 51 taong gulang na may-ari ng pandesalan upang isumbong ang pagkawala ng kanyang tauhan.
Ayon sakanya, umalis ito sa kanilang tahanan upang maglako ng pandesal sa bayan ng Manaoag sakay ng isang tricycle na pag-aari umano ng ginang.
Inaasahan sana ang kanyang pagbabalik sa parehong araw matapos ang pagtitinda, ngunit lumipas na ang ilang araw at hindi na bumalik ito.
Kasabay ng kanyang pagkawala ay ang tinatayang halagang Php5,000 mula sa kinita sa pagtitinda at ang naturang tricycle.
Sinabi rin ng complainant na ilang araw nilang sinubukang hanapin ang suspek sa Manaoag kasama ang kanyang dalawang anak, ngunit wala silang natagpuan at hindi na rin ito macontact.