Mga kabombo! Gaano ka nakasisiguro na pinag-isipang mabuti ng magulang o guardian mo ang pangalang ibinigay sa iyo?
Tila ito kasi ang naging katanungan ng viral ngayon sa social media na kinilalang si “Happy”?
Paano ba naman kasi, ramdam na ramdam na raw nito ang kasalungat na nararamdaman ng kaniyang pangalan.
Si Teruchi Happy ay 27-anyos na at residente mula sa Japan. Aniya, mula pagkabata hanggang ngayon, naranasan niya ang pambubulas at pang-bubully mula sa ibang tao dahil sa kaniyang pangalan.
Batikos ng mga kaklase nito, “Happy ka nga, pero hindi ka naman mukhang happy,” o kaya’y, “Kahit binubully ka, happy ka pa rin, ‘di ba?”
Nang matapos naman ito sa kaniyang pag-aaral, at mapapadpad sa aplikasyon sa trabaho at pakikipagrelasyon, hindi rin nito inaasahan na magiging balakid din umano ito.
Depensa at paliwanag naman ng kaniyang ina, pinili ng kanyang ina ang pangalang ito dahil sumisimbolo ito sa kasiyahan at kaligayahan na kaniyang naramdaman nang lumabas ang anak.
Dahil dito, sa kabila naman ng bullying na natanggap ni Happy, ni hindi naman dumapo umano sa kaniyang isip na baguhin ito dahil nagpapakita lamang ito ng pagmamahal ng kanyang ina.