Nahaharap ngayon sa kasong panggagahasa ang isang 27 anyos na lalaki matapos umano nitong halayin ang kaniyang kabatchmate sa bayan ng Laoac Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si Jeric Domingo.

Base sa kwento ng 25 anyos na biktima na tumanggi nang magpabanggit ng pangalan, nagkainuman umano sila ng suspek kasama ang iba pa nilang batchmate.

--Ads--

Ngunit dahil sa wala na umanong masakyan pauwi ay nagpahatid siya sa suspek at hindi niya inakalang sasamantalahin nito ang pagkakataon.

Habang pauwi umano ay idinaan ng suspek ang kaniyang motorsiklo sa short cut na walang katao tao at doon isinakatuparan ang umanoy panghahalay.

Depensa naman ng suspek na hindi niya pinilit ang biktima at sa katunayan ay ito pa umano ang nagsabi na itago niya ang motorsiklo upang hindi makita.

Isang residente naman sa lugar ang napadaan doon kayat ipinagbigay alam niya ito sa barangay officials na sila namang humingi ng tulong sa kapulisan dahilan ng pagkakaaresto ng naturang suspek.