BOMBO DAGUPAN -Isang 26-taong-gulang na American-Turkish woman ang nasawi sa West Bank sa gitna ng isang protesta, matapos magpaputok ang puwersa ng Israel.

Si Aysenur Ezgi Eygi, na mamamayan ng parehong US at Turkey, ay nakikilahok sa isang protesta laban sa Jewish settlement expansion sa bayan ng Beita malapit sa Nablus.

Ayon sa mga ulat mula sa lokal na media, si Ms. Eygi ay umano’y tinamaan ng bala mula sa mga sundalong Israeli.

--Ads--

Ayon sa isang kasamang nagprotesta, ang Biyernes na demonstrasyon ang kauna-unahang pagkakataon na dumalo si Ms. Eygi sa isang protesta kasama ang International Solidarity Movement, isang grupong pro-Palestinian.

Hindi nagbigay ng tiyak na pananaw ang White House, ngunit nanawagan sila sa Israel na magsagawa ng imbestigasyon.