Dagupan City – Nakatakdang ipatayo ang 26 na Super Health Center sa lalawigan ng Pangasinan.

Dumalo sa isinagawang ground breaking ceremony si Sen. Christopher Lawrence “Bong” Tesero Go sa brgy. Cayanga, bayan ng san fabian, bilang isang guest of honor at speaker Para sa turn over ng super health center na ipinatayo sa nasabing bayan.

Ang super health center na ito ay medium type ng polyclinic kung saan, maaaring magpakonsulta para sa mga minor cases, kagaya ng dental check-up, pangaganak, maging laboratory at xray, at konsulta rin para sa philhealth dahil paniniwala ni sen. Bong go na lahat ng pilipino ay miyembro ng philhealth.

--Ads--

Ayon kay Sen. Bong Go na siya ring chairman ng committee on health, handa siyang tumulong para mas mapalawak pa ang serbisyo ng super health center dahil malaking tulong ito para nga mamamayan lalo na sa mga mahihirap at kanya itong patuloy na ipaglalaban.

Dagdag pa niya, ang 500 pesos na konsulta package na kanilang ipinamamahagi sa mga pasyente ay itinaas na ito ng 1700 pesos.

Ipinaalam din ni sen. Na Mahigit 600 ang ipapatayong super health center sa buong pilipinas. Habang, kabuuang 26 na super health center naman sa lalawigan ng pangasinan ang ipapatayo na siya ring ituturnover sa mga opisyal o local govt unit sa tulong ng kongreso at proyekto ng dept. Of health.

Samantala, 166 malasakit center naman ang ipapatayo sa buong pilipinas na handang tumulong sa ating mga kababayan. 2 malasakit center naman ang naipatayo na sa ating lalawigan, ito ay nasa lungsod ng dagupan at bayan ng rosales. Pinaalalahan niya ang taong bayan na wag mag atubiling magpokonsulta dito kung kinakailangan.

Ngayong tag-ulan nga ay malapit tayo sa napapanahong sakit kagaya na lamang ng dengue, kaya naman importanteng sundin ang paalala ng ahensyang pangkalusugan kagaya na lamang ng 4s kontra dengue. At itong ring leptospiros, kaya nagpaalala si sen. Lalo na sa mga bata na iwasang lumusong sa baha dahil paniguradong ito ay marumi at delikado

Huling panawagan naman niya sa taong bayan na ang alagaan ang sarili dahil importante ang kalusugan ng bawat pilipino.