BOMBO DAGUPAN – Umabot sa 26 na kabahayan ang naapektuhan sa tumamang buhawi nitong sabado sa brgy. Bayoyong sa bayan ng Basista.

Ayon kay Giovanni Bugarin, Punong Barangay, marami ang nalagasan ng bubong at nadaganan ng mga punong kahoy ang mga kabahayan.

Mabuti na lamang at wala namang naiulat na nasaktan sa insidente at isang bahay lamang ang totally damaged. Samantala, ang iba nama’y tanging ang bubong lamang ng kanilang kusina ang nasira.

--Ads--

Aniya na noong araw din na iyon ay agad na isinagawa ang pagsasaayos sa mga nasirang mga bahay.

Sa ngayon ay naibalik na din ang kuryente sa lugar .

Kaugnay nito ay naireport na ang nasabing insidente sa lokal na pamahalaan at sa MDRRMO at kasalukuyan na lamang naghihintay ng kaukulang tulong na matatanggap para sa mga apektado.

Nagpaalala naman ito sa kanilang mga kababayan na mahalaga na laging maging handa dahil hindi natin alam kung anong oras darating ang ganitong mga kalamidad.

Samantala, ayon naman kay Josephine Disierto MDRRMO Officer na mainam din na mentally prepared sa mga darating na sakuna gayundin ang pagiging alerto upang hindi mabigla sa mga ganitong pangyayari.