BOMBO DAGUPAN- Sumuko ang 26-anyos na lalaki at umamin sa isang malawakang pag-atake ng kutsilyo sa isang street festival sa Germany.

Ayon sa pulisya ang pagkakasangkot ng nasabing suspek ay kasalukuyang nasa ilalim ng masinsinang pagsisiyasat.

Nasa ilalim ngayon ito ng imbestigasyon para sa pagpatay, tangkang pagpatay at pagiging miyembro ng isang foreign terrorist organization saad ng federal prosecutor ng Germany.

--Ads--

Matatandaan na tatlong tao ang nasawi at walo pa ang nasugatan sa lungsod ng Solingen sa panahon ng nasabing pagdiriwang.

Inangkin naman ng grupo ng Islamic State noong Sabado ang responsibilidad, ngunit hindi kaagad nagbigay ng anumang katibayan ng isang relasyon sa umatake.

Ang mga nasawi ay dalawang lalaki na may edad 56 at 67, at isang 56-anyos na babae habang ang apat na iba pang nasugatan ay nasa malubhang kondisyon pa rin.