DAGUPAN, CITY— Patay ang isang 26-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa isang bukid sa Brgy. Waig, sa bayan ng Malasiqui.

Ayon kay PLt.Col. Wilmer Pagaduan ang Officer in Charge ng bayan ng Malasiqui, ang biktima ay natagpuan na lamang na nakahandusay kasama ang kaniyang gamit na motorsiklo sa naturang lugar .

Kinilala naman ang biktima bilang si Wilson Lamsen na residente ng Brgy. Nalsian Norte sa naturang bayan na nagtamo ng tatlong tama ng baril sa kaniyang katawan kung saan ang isa rito ay sa itaas na bahagi ng likod nito at dalawang tama sa leeg nito.

--Ads--
Tinig ni PLt.Col. Wilmer Pagaduan ang Officer in Charge ng Malasiqui PNP

Sa ngayon ay patuloy naman ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente at inaalam na rin kung may mga dating kaalitang ang biktima na maaaring maging person of interest.

Sa imbestigasyon din ng kapulisan ay sinasabing may dala itong bag ngunit hindi na ito natagpuan sa crime scene kayat isang motibo na tinitignan din dito ay ang robbery. (with reports from: Bombo Adrianne Suarez)