Nauwi sa trahedya ang masayang bonding ng mag-anak matapos malunod ang isang 26 anyos na lalaki habang ito ay naliligo sa SanFabian beach sa San Fabian Pangasinan nitong nagdaang Semana Santa.
Kinilala ang biktima na si Zoren Villena na tubong-La Union na dumayo pa sa lalawigan para maligo.
Ayon sa imbestigasyon ng kapulisan, naliligo ang biktima nang mapunta siya sa malalim na bahagi ng dagat.
Ayon sa ilang mga nakasaksi, sinubukan umano ng biktima na iligtas sa pagkakalunod ang isang bata sa dagat ngunit siya ang tuluyang nilamon ng dagat.
Sinubukan pang i-revive ang biktima pero nasawi din ito.
Una rito, matatandaan na bago magsumpisa ang holy week ay maagang nagpaalala ang mga otoridad sa mga beachgoer na mag-ingat at iwasang maligo ng nakainom at bantayan lagi ang mga bata upang maiwasan ang mga insidente ng pagkalunod.