Mga kabombo! Nakarinig ka na ba ng sakit na “Harlequin sign”?
Paano na lamang kung malaman mong isa pala itong kondisyon na hindi pangkaraniwan?
Usap-usapan kasi sa social media si Sydney Patrice, 26-anyos at nakilala sa kaniyang operasyon sa leeg noong isang taon.
Kung saan kalahati na lamang ng kanyang mukha ang namumula at pinapawisan, habang ang kabilang bahagi ay nananatiling walang pawis at hindi mapula.
Ayon sa pag-aaral, tinawag ang kondisyong na “Harlequin sign” o Harlequin syndrome.
Kung saan ang sanhi ng pinsala nito ay sa “sympathetic chain,” isang bahagi ng autonomic nervous system na responsable sa “fight or flight” response ng katawan.
Ito ang nagiging sanhi ng pamumula ng mukha at pagpapawis kapag ang isang tao ay nag-eehersisyo o nasa ilalim ng stress.
Dahil mayroong tig-isang sympathetic chain sa magkabilang bahagi ng spinal cord na sumusuplay sa bawat panig ng mukha, ang pinsala sa isa sa mga ito ay sa isang bahagi lamang magpapakita ng epekto.
Ayon pa sa pag-aaral, napakabihira at tinatayang mas mababa sa 1,000 katao sa U.S. ang mayroon nito. Ito ay unang inilarawan sa mga medical literature noong 1988.