Mga kabombo! Nakarinig ka na ba ng kasabihan na “gagawin ko ang lahat makuha ka lang?”

Nako! Tila ito kasi ang nangyari sa isang 26-anyos na babae sa ngalan ng labubu dolls at concert ticket!

Paano ba naman kasi, nang isagawa ang kontrobersiyal na “social experiment” sa Russia tila bumigay at handang “ibenta ng babae ang kanyang kaluluwa” sa halagang 100,000 rubles (humigit-kumulang P67,000) upang makabili ng mga Labubu dolls at isang concert ticket.

--Ads--

Ayon sa ulat, nagsimula ang lahat sa isang biro mula sa isang marketing expert na nagpakilala si Dmitri sa social media platform.

Hanggang sa ng-post siya ng advertisement na nag-aalok ng 100,000 rubles sa sinumang papayag na ibenta ang kanilang kaluluwa sa pamamagitan ng pagpirma ng kontrata gamit ang kanilang dugo.

Dito na nagulat si Dmitri nang isang babae, na kinilalang sa pangalang Karina, ang tumugon at tinanggap ang alok.

Ayon kay Dmitri, nilagdaan ni Karina ang dokumento at sinelyuhan ito ng dugo.

Sa kaatunayan, ginamit ni Karina ang pera sa pagbili ng Labubu dolls at isang concert ticket ng Russian folk singer na si Nadezhda Kadisheva.

Ayon kay Karina, wala siyang pakialam sa kanyang “ibinentang kaluluwa” o kung ano man ang gagawin dito ng bagong may-ari.

Gayunman, mariing kinondena ng Russian Orthodox Church ang pangyayari. Sa pamamagitan ng kanilang opisyal na channel.

Ang insidente ay nagdulot ng malawak na diskusyon sa Russia tungkol sa mga etikal na limitasyon ng mga social experiment at ang papel ng espirituwalidad sa modernong lipunan.