Kinumpirma ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na umaabot pa sa 25,000 ang bilang ng mga New Peoples Army o NPA na umiikot sa ibat ibang barangay sa bansa .
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Esperon sinabi nito na ang nabanggit na mga NPA ay armado ng armas na nag iikot lalo na sa mga liblib na barangay sa bansa.
Umaabot naman sa 3,700 na mga miyembro ng NPA ang mga tinaguriang NPA fighters.
Inamin din nito na karamihan na rin sa mga miyembro ng NPA ay mga menor de edad na galing sa mga Salugpungan schools sa ibat ibang panig ng bansa.
Doon aniya ay ang pag-assemble ng baril ang itinuro sa kanila .
Iba rin ang natutunang national anthem at hindi rin si Gat Jose Rizal ang kinikilala nilang pambansang bayani kundi ang mga international terrorist.