Mahigpit ngayong minomonitor ng Provincial Government ang nasa 250 katao na dumalo sa reunion na pinuntahan ng Australian na nagpositibo sa Covid 19 na bumisita sa lalawigan ng Pangasinan.
► Lingayen, Pangasinan Mayor at former Cong. Leopoldo Bataoil, negatibo sa COVID-19; inaming nakasalamuha din ang Filipina-Australian na nagpositibo sa nasabing sakit na bumisita sa probinsya
▶LGU Lingayen patuloy na gumagawa ng kaukulang hakbang kasunod ng pagpositibo sa COVID -19 ng isang kababayan mula Australia
▶UPDATE: Bilang ng mga dumalo sa reunion kasama ang Australian na nagpositibo sa Covid 19 na kailangang i-trace nasa 50 na lang
Ayon kay Pangasinan Governor Amado “Pogi” Espino III nasa 250 katao ang dumalo sa reunion base na rin sa regstration ng mga dumalo sa okasyon na kanila ngayong minomonitor.
Maging ang kaanak ng mga ito ay inaalam din nila kung nakakaranas ng mga sintomas ng sakit.
Karamihan umano sa mga ito ay balikbayan na ang iba ay nakabalik na rin ng ibang bansa.
Marami rin umano sa mga ito ay empleyado ng Provincial Government na kabilang pa sa alumni ng naturang reunion.
Sa ngayon ay ginagawa umano ngayon ng Provincial Government ang lahat katuwang ang Department of Health upang matraced ang lahat ng mga nakasalamuha ng naturang biktima.
Maging ang mga lugar na pinuntahan nito ay kanila ring inaalam.
Nabatid na ang naturang Australian ay dumalo sa kasal sa Maynila noong February 3, 2020. February 22 naman nang dumalo ito sa isang high school reunion sa Pangasinan at March 2 nang bumalik siya ng Sydney.
Pero March 3 nang siya ay magpositibo sa COVID-19.