DAGUPAN CITY- Nagdaos ng isang pulong ang Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan sa Conference Room ng Presidencia de Mangaldan kahapn araw ng martes upang pinal na repasuhin at talakayin ang ₱25,067,000 na Gender and Development (GAD) Plan at Budget para sa taon 2025.
Ang Municipal Administrator na si Atty. Teodora S. Cerdan, na kumatawan kay Mayor Bona Fe de Vera-Parayno, ay nanguna sa nasabing pagpupulong kasama si Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC) at ang Vice Chairperson ng GAD Local Focal Point System (LGFPS).
Masusing nirepaso ang mga iminungkahing proyekto at inayos ang pondo upang matugunan ang mga pinakamahalagang pangangailangan ng bayan.
Mahigit ₱10,000,000 mula sa badyet ay ilalaan para sa buwanang stipend ng mahigit 600 na mga scholars sa high school at kolehiyo.
Inaasahan na sa 2026, madadagdagan pa ang bilang ng mga kolehiyong scholars ng 30, kaya magiging 120 na ang kabuuang scholars.
Binanggit din sa pulong ang pangangailangan na mas mapabuti ang paggamit ng pondo para sa Violence Against Women and Children (VAWC) Program, lalo na at napansin na hindi ito lubos na nagamit noong nakaraang taon.
Magkakaroon ng mga bagong programa upang mapabuti ang pagtugon sa mga kaso ng VAWC.