Dagupan City – Si Bench Fredhie ay isang 25 anyos na make-up artist at events coordinator.

Nag simula ang kanyang hilig sa pag m-make up noong siya ay high school pa lamang. Nag umpisa siya sa kaniyang sarili pati na rin sa kaniyang mga pinsan at kaibigan hanggang sa napag tanto niya na gusto niya itong maging propesyon.Sa murang edad na 15 taong gulang ay naging assistant na siya sa ibang makeup artists at sumasama sa mga events na siyang nag-hulma sa kaniya kung nasaan na siya ngayon.

Hindi lamang nakatutulong si Bench sa kaniyang pamilya kundi pati na rin sa kaniyang mga kaibigan at iba pang mga aspiring make up artist. kinukuha niya sila upang maging mga back up artist at assistant na siyang nagiging tulay upang makakilala sila ng mga kliyente, magkaroon ng mga bagong kaalaman, at mabigyan ng malaking oportunidad. Si Bench Fredhie ay naka-buo ng Glam team kasama ang kaniyang kaibigan. Ayon sa kaniya, mas magaan ang trabaho dahil komportable siya sa kaniyang mga kasama.

--Ads--

Isa sa mga naging signature look ni Bench ang skin finish make up na ayon sa kaniya, ang pinaka importanteng hakbang ay ang proper skin care. Nag bahagi rin siya ng mga dagdag pa na tips para sa mga gustong maging isang make-up artist kung saan sinabi niya na mahalaga na malinis at pulido ang kanilang gawa. Dagdag pa niya ay hindi ka lang dapat magaling, dapat din ay maging humble at approchable upang makuha ang tiwala ng kliyente at balik-balikan ka.

May mga panahon na kung saan nakakapagod at mahirap ang trabaho ng isang makeup artist ngunit ang payo ni Bench ay kapag ibibigay mo ang iyong best at mahal mo ang iyong trabaho ay mas pipiliin mong magpatuloy. Mayroon mang mga nang-hihila sakaniya pababa at nag sasabi ng mga negatibong komento ay ginagawa niya itong inspirasyon upang mas galingan pa dahil ayon sakaniya “kahit anong gawin niyo bandera ko’y di tutumba”.

https://www.facebook.com/share/v/P7uYa4m9ZRaKBPVj