Dagupan City – Naaresto sa bayan ng Sta. Maria ang isang babae na nasa 25-anyos na itinuturing na High-Value Individual dahil sa pagkakasangkot sa illegal na droga.

Ito ay matapos ikasa ang isang buy bust operation sa Zone 3 Barangay San Vicente sa nasabing bayan sa pamamagitan ng pinagsamang pwersa ng Regional Police Drug Enforcement Unit 1 (RPDEU 1), Regional Intelligence Division ng Police Regional Office 1(RID PRO1), Philippine Drug Enforcement Group- Special Operations Unit 1 (PDEG-SOU1), at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Pangasinan.

Kinilala ang suspek bilang si alyas “Gracia,”, walang trabaho, at residente sa bayan ng Tayug kung saan nahuli ito sa kanyang inuupahang apartment sa bayan ng Asingan.

--Ads--

Nakumpiska dito ang nasa 100 gramo ng hinihinalang shabu na nasa loob ng anim na plastic sachet na may tinatayang halaga na ₱680,000.00.

Samantala, nakatakas naman ang kasamahan nito na isang lalaki na residente sa Makati City na napag-alamang parehong nakatira sa iisang apartment.

Mahaharap ito sa kasong paglabag sa RA. 9165 o ang comprehensive dangerous drugs act of 2002.

Kasalukuyan itong nakapiit sa pasilidad ng mga otoridad at sasailalim sa kaukulang proseso ng batas habang mananagot sa nagawa nitong paglabag.