Dagupan City – Kinilala ito na si Emily Webb, 25-anyos at kabilang sa Generation Z or Gen Z mula sa Gold Coast, Australia.

Ayon sa ulat, dahil daw umano sa angking ganda ni Emily, hindi mahahalatang isa siyang homeless?

Ngunit ibahin niyo ang homless na ito dahil, mayroon siyang sariling kotse kung saan ay doon nakalagay lahat ng mahahalagang gamit.

--Ads--

Aniya, may mga araw na nakikitulog siya sa mga kaibigan;minsan, nakikipag-date para may maayos na mapagpapahingahan pagsapit ng gabi. Kung kaya’t pag-amin nito na malaki ang natitipid niya.

Lumalabas din na matagal nang nag-apply si Emily para sa marerentahang apartment, dahil kaya rin umano niyang magbayad ng 2,660 Australian dollar o higit P100,000 per month.

At kung nagtataka kayo kung bakit mayroon siyang budget, isa siyang content creator at sikat ang kanyang OnlyFans account na may mahigit 100,000 followers sa social media platform.

Bagama’t wala siyang matatawag na sariling tirahan, ay hindi naman niya aniya iyon pinuproblema sa kasalukuyan, dahil nga maganda siya.

Dagdag pa niya, four times a week ay sa mga kaibigan siya nakikitulog, at nakikipag-date naman siya three times a week.

At kung hindi man maging okay ang kalabasan ng kanyang date, hindi niya pine-pressure ang sarili na mag-stay sa place ng lalaki dahil lagi namang handa ang sinuman sa kanyang mga kaibigan na kupkupin siya for a night.