BOMBO DAGUPAN- Nasa ilalim ng 24-hours curfew ang milyong residente ng northern Nigeria sa gitna ng malakawakang pagpoprotesta laban sa mataas na halaga ng pamumuhay.

Inutusan ang mga lokal ng Kano, Jigawa, Yobe, at Katsina na hindi lumabas ng kanilang pamamahay o pakikiisa sa mga protesta.

Ayon sa mga otoridad na mahalaga ang pagpapatupad ng curfew dahil may mga kawatan umano na nakiisa din sa protesta upang makapagnakaw lamang.

--Ads--

Dahil dito, lalong pinaghigpit ang seguridad ng bansa dahil sa aktibidad na pinangunahan ng mga organisers ng pagkilos.

Samantala, umabot naman sa 13 protesters ang nasawi mula sa mga security forces sa unang araw ng pagpoprotesta.