DAGUPAN CITY- Aksidenteng nakuryente ang isang 24 year-old na lineman habang ito ay nagsasagawa ng maintenance sa ilang poste ng kuryente sa bayan ng Labrador.
Ayon kay PLt. Ronaldo Aquino, Duty Officer ng Labrador MPS, kinilala ang biktima na si Ronel Quijano, residente ng Sitio Ambalengit, Brgy. Mapulo-pulo, Basista, Pangasinan.
Sa kanilang imbestigasyon, Alas 7:30 ng umaga kahapon nang makatanggap sila ng report mula sa pamunuan ng Central Pangasinan Electric Cooperative (CENPELCO) Labrado, Binmaley, at Sual area patungkol sa naturang insidente. Nakahawak umano ang biktima ng primary line sa Brgy. Dulig, sa naturang bayan biktima habang nagsasagawa ng maintenance sa ilang mga poste.
Nagresulta naman ito sa kaniyang pagkakakuryente at nagtamo ng iba’t ibang sugat sa kaniyang katawan.
Agad naman itinakbo sa ospital ang biktima upang mabigyan ng agarang lunas at sa ngayon ay patuloy na itong nagpapagaling.
Nakikita naman nilang posibleng nakabukas at hindi agad napatay ang linya ng kuryente kaya nangyari ito.