Mga kabombo! May ibang level ang pagiging collector ng isang lalaki sa Australia. Paano ba naman kasi, hindi lang siya nag-ipon ng stamps o rare coins, kundi — pati mga radioactive elements!

Kinilala ito na si Emmanuel Lidden, 24-anyos kung saan ay napag-alamang bumibili siya ng delikadong substances tulad ng mercury, thorium, at uranium para lang makumpleto ang kanyang personal periodic table collection.

Ang kanyang tila inosenteng hobby ay nauwi sa isang matinding hazmat raid na parang eksena sa isang sci-fi movie!

--Ads--

Ayon sa mga dokumento, matagal nang mahilig sa collectibles si Lidden, pero tila napa-wow siya sa chemistry at ginawang life mission ang pagkolekta ng bawat elemento sa periodic table—kasama ang mga radioactive!

Sa loob ng isang taon, nag-order siya ng iba’t ibang elements mula sa isang science collectibles website sa U.S. Pero nang dumating ang ika-11 niyang order (kasama ang mercury at thorium), naalarma ang Australian Border Force (ABF)!

Sa isang epic fail moment, kahit na-block na ang package niya, naipadala pa rin ito ng courier. Nang hingin ito pabalik, pumayag naman siya—pero huli na, dahil naka-set up na ang raid sa kanyang bahay!

Depensa ng kanyang abogado, wala siyang kahit anong evil plan—gusto lang niyang magdagdag ng bagong element sa koleksyon niya. Pero ayon sa prosekusyon, kahit wala siyang intensyong gumawa ng masama, delikado pa rin ang ganitong pagbili ng nuclear materials.

Dahil sa kontrobersiya, agad na sinuspinde si Lidden sa trabaho niya bilang trainee train conductor sa Sydney Trains. Kalaunan, natanggal siya sa serbisyo at ngayo’y nagtatrabaho bilang fast food crew habang hinihintay ang kanyang hatol.

Bagama’t lumabas sa pagsusuri na hindi sobrang delikado ang mga sample na nakuha mula sa kanya, malinaw na lumabag siya sa Australia’s Nuclear Non-Proliferation Act.

Posible naman umano itong makulong ng hanggang 10 taon.