Dead on Arrival sa pagamutan ang isang 24 anyos na estudyante matapos itong maaksidente habang lulan ng kanyang motorsiklo sa bayan ng San Manuel Pangasinan.

Naganap ang aksidente sa kahabaan ng Quirino St., Brgy. Guiset Sur kung saan ang biktima ay kinilala na si Giemser Rey Muñoz, na residente mula sa Brgy. Guiset Norte sa nabanggit ding bayan.

Sa imbestigasyon , lumalabas na binabagtas ng biktima ang daan sa pa-Silangang direksiyon nang ito ay mawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo na naging dahilan upang mabangga nito ang likurang bahagi ng isang kuliglig na noon ay nakaparada sa gilid ng kalsada.

--Ads--

Bilang resulta ay nagtamo ito ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Nadala pa ito sa pagamutan, partikular na sa Dr. Laureano S Perez Memorial Clinic subalit hindi na umabot pa ng buhay.