Dagupan City – Nag-viral sa social media ang 24-Anyos na babae sa Indonesia matapos ipost ang larawan nito sa isang wedding photo na hindi inaasahang mapapang-asawa pala niya.
Kinilala ang babae na si Renata Fadhea, kung saan ay tampok ang throwback photo nito sa kanyang post kung saan ay isa siya sa mga bisita ng newlyweds.
Taong 2019, sa edad na 19, nagkita muli si Renata at ang isang malayong kamag-anak na lalaki na 57 years old ngunit kalaunan ay naging magkarelasyon sila sa kabila ng 38-year age gap.
Hanggang sa napagtanto ni Renata na nag-krus na pala ang landas nila ng kanyang nobyo noong isa pa lamang siyang musmos.
Ang post na ito ni Renata ay in-upload noong January 15, 2024, at ngayon ay mayroon ng higit 7.1 million views.
Ikinasal ang dalawa noong 2020, at sa kasalukuyan aniya ay masaya sila at nagkaroon na rin ng anak.