DAGUPAN CITY- Matagumpay na isinagawa kahapon ang huling bahagi ng Moving-Up Ceremony para sa 237 mag-aaral mula sa mga Child Development Centers ng Mangaldan.

Ginanap ang seremonya sa ika-3 palapag ng Municipal Hall.

Sa pamumuno ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at sa tulong ng mga Child Development Workers, kinilala ang mga batang nagtapos ng kanilang maagang edukasyon mula sa mga barangay ng Anolid, Banaoang, Bateng, Landas, Macayug, Salaan, at Talogtog.

--Ads--

‎Sa seremonya, pinuri ang pagsusumikap ng mga mag-aaral, pati na rin ang walang sawang suporta ng mga magulang at guro.

Hinikayat ang mga magulang na patuloy na gabayan ang kanilang mga anak sa pag-abot ng mas mataas pang antas ng edukasyon at hinikayat ang mga bata na mangarap na maging mga pinuno sa hinaharap.

Pinangunahan ng MSWDO ang kabuuang pagdaraos ng seremonya at nagpaabot ng pasasalamat sa mga katuwang sa komunidad at sa mga guro na naging bahagi ng paghubog sa mga batang mag-aaral.