DAGUPAN CITY- Nagulantang ang pamilya Gonzales nang matagpuan ang katawan ng kanilang 23 years old na anak na wala ng buhay sa loob ng bahay na kanyang tinutulugan sa Brgy. Pugaro, Dagupan City.

Nakadapa, nakataklob ng kumot at namamaga na rin ang mukha nang makita ni nanay Maria Gonzales ang kanyang anak na si Jezel Gonzales, nang ito ay kanyang pinuntahan sa loob ng bahay na kanyang tinutulugan alas sais ng gabi nito lamang martes para kumain.

Ayon sa kanya na nangyari ang krimen sa kalaliman ng gabi kung saan tahimik at tulog na ang lahat dahil maging sila ay walang narinig na ingay na mayroong nangyayari na pa lang krimen sa kabilang bahay kung saan natutulog ang kanilang anak.

--Ads--

Base sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad ay nagtamo ng sugat sa leeg at sa tagiliran ang biktima.

Hustisya ang sigaw ng pamilya sa kung sinuman ang pumatay sa kanilang anak.

Mayroon namang ibibigay na pabuya at nagkakahalaga ng 40,000 ang makakapagturo dito.

Wala na ring laman ang bag nitong black na madalas ginagamit kaya posible rin daw na ninakawan ito.

Hindi nila matanggap ang nangyari lalo na at gagraduate na sana si jezel sa susunod na buwan

Samantala, ayon kay Brgy. Captain Nestor na tumutulong din sila sa imbestigasyon at anya na mas lalo pa nilang paiigtingin ang pagbabantay sa kanilang lugar para hindi na maulit ang mga ganitong pangyayari.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad dito para sa mga karagdagang impormasyon na makakapagbigay kilanlan sa mga suspek.