Dagupan City – Nabahagian na ng suplay ng mga masusustansyang pagkain ang 23 Child Development Centers (CDC) sa bayan ng Tayug.
Ito ay ipagkakaloob sa mga Day Care Students sa kanilang Supplementary Feeding Program.
Nagmula ang nasabing suplay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 1 na dumaan sa Lokal na Pamahalaan ng bayan.
Ayon sa mga opisyal sa bayan, ang programang ito ay isang mahalagang hakbang sa pagbibigay ng suporta sa mga bata at kanilang pamilya, kasabay ng pagsiguro sa kanilang tamang nutrisyon at kalusugan.
Naglalaman naman ang mga ito ng veggie noodles, itlog, saging na saba, kalabasa, bigas, malagkit na bigas, patatas, sayote, at iba’t ibang karne.
Layunin ng programang ito na makatulong sa mga batang daycare upang maiwasan ang kakulangan sa nutrisyon at mapangalagaan ang kanilang kalusugan.