DAGUPAN CITY – Nahaharap sa patong patong na kaso ang isang 23 anyos na lalaki matapos nitong gahasain at itapon sa ilog ang limang taong gulang na pamangkin sa Brgy San Miguel Calumpit Bulacan.

Naaresto ang suspek na kinilalang si Marvin Mengulio.

Ayon sa impormasyon narekober ang bangkay ng 5 taong gulang na batang hindi na pinangalanan habang lumulutang matapos na anurin at mapadpad sa Pampanga River.

--Ads--

Agad nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya nang ireport ito ng isang concerned citizen at hinanap ang pamilya ng bata.

Nagkataon namang napaulat na nawawala ang 5-anyos na batang babae sa bayan ng Calumpit kung saan naberipikang ito ang hinahanap na biktima.

Agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) team at habang sumasailalim sa pagtatanong ang tiyuhin ng biktima ay dito na umamin na siya ang pumatay sa pamangkin.

Inamin din nito na hinalay niya ang bata at dahil umiyak ito nang malakas kung kaya niya inihagis sa ilog.

Nabatid na habang natutulog ang bata, binuhat at dinala ito ng suspek sa ilog kung saan dito na niya hinalay at nang magising ay umiyak.

Nairita naman umano ang suspek kaya itinapon sa ilog ang bata na siya nitong ikinalunod.