Dagupan City – “Sana wala nang mga Senior Citizens ang maabuso”

Yan ang binigyang diin ni Neiljay Matunding 23-anyos na mula sa Bayan ng Bukidnon Mindanao sa panayam ng bombo radyo Dagupan sa kanya bilang advocate sa pagsusulong House Bill 4696 o Anti-Elderly Abuse Act.

Aniya na umiikot ito sa buong Pilipinas gamit ang kanyang pedicab o tinatawag na SIKAD Pilipinas na nangangahulugan Strong Intelligent Knowledge Action Dedication (SIKAD) PILIPINAS.

--Ads--

Sinimulan niya ang paglalakbay nang siya’y nasa edad na 22 noong buwan ng Enero 2023 kung saan inuna niya ang Maynila.

Ibinahagi naman nito na nakarating siya sa Dagupan noong huwebes at napag-usapan o tinalakay nito ang nasabing adbokasiya kay Mayor Belen Fernandez upang matulungan sa panghihikayat sa mga DagupeƱo na makiisa dito gayundin sa mga Pangasinense.

Halos nasa 31 probinsya na ang kanyang napuntahan kabilang na nga dito ang Pangasinan sapagkat panata nitong maikot ang nasa 82 probinsya na mayroon ang bansa upang maipaalam ang kanyang ipinaglalaban tungkol sa karapatan ng mga matatanda at alay niya ito sa kanila.

Dagdag nito na kaya niya isinusulong ang ganitong adbokasiya upang maging batas ay naging biktima ang kanyang lola kung saan naabandona, pinabayaan, inabuso ang karapatan bilang ilang senior citizen.

Kwento nito na maraming itong naranasan sa kanyang paglalakbay gaya ng pagkasira ng kanyang sasakyan sa daan hanggang sa pagsalubong sa mga bagyong nararanasan sa bawat lugar na kanyang pinupuntahan ngunit suportado naman ito ng bawat munisipyo at lokalidad sa kanyang mga kakailanganin gaya ng pagkain at pagpapaayos nito upang maisakatuparan niya ang kanyang nais gawin.

Hindi na mabilang aniya ang mga pirma ng mga sumusuporta sa kanyang adbokasiya sa halos 12 tarpaulin na mayroon siya sa kanyang pedicab habang nasa higit 6 na libo ang mga stickers na nakakabit na dito.

Samantala, isusunod nito na puntahan ay ang probinsya ng Benguet partikular sa lunsgod ng Baguio, Ilocos Norte, Ilocos Sur at La Union.
Panawagan nito sa lahat na kailangan umanong igalang ang mga matatandaan dahil kung wala sila ay wala tayo sa mundo. (Oliver Dacumos)