Umaabot sa 22 na pamilya o katumbas na 85 na indibiduwal ang inilikas sa evacuation center sa barangay Malued dito sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay punong barangay Pheng delos Santos, tila naging normal na sa kanila ang pagtaas ng tubig sa kanilang lugar.

Dalawang silid sa Malued Elementary school ang ginamit para sa mga evacuees.

--Ads--

Saad ni delos Santos, lumalalim ang tubig kaya dumarami ang kanilang evacuees.

Aniyam may mga tumatawag at nagsabi na lilikas na dahil sa paglalim ng tubig sa kanilang lugar.

May mga sitio na malalim na hanggang dibdib ang tubig kaya kailangan na ilikas ang mga residente.

Tiniyak naman ng punong barangay na sapat ang gamot para sa mga residente at sapat din ang pagkain para sa mga evacuees.

Aniya may mga organization ang nagpapadala ng pagkain kapag ganitong may kalamidad kaya hindi nahihirapan ang barangay.

Nagtanong na rin aniya si mayor Belen Fernandez kung ano ang puwedeng maitulong sa mga residente na hindi makalabas ng bahay.

Isa ang barangay Malued sa malaking barangay sa lungsod at hindi nila maiikot isa isa ang mga bahay bahay lalo at binabantayan ang mga ervacuees kaya hinikayat niya ang mga residente na ipaabot sa kanila kung ano ang kanilang pangangailangan.