DAGUPAN CITY- Umabot sa 22 Modernized Cooperative na kumakatawan sa 4 na lalawigan sa rehiyon ang dumalo sa isinagawang peace rally and conference dito sa Dagupan City ngayong araw.

Ayon kay Jessie Quiros ang President ng Cooperative Development Authority Public Utility Cluster of Region 1 at Chairman ng Dagupan City Bonuan Loop Transport Service Cooperative na buong pwersa silang nagbahagi ng panawagan na marinig ang kanilang panig bilang Majority na sumunod sa programang ito ng gobyerno.

Aniya na wala makakahadlang sa kanila kahit sinuman dahil buo ang kanilang loob na gawing modernisado ang rehiyon.

--Ads--

Dahil dito, malakas ang kanilang kahilingan na maipagpatuloy ito at huwag ipagpaliban ng minorya na hindi sumusuporta dito dahil nasa 86 % na sa buong bansa ang modernized consilidated kaya sana mapakinggan aniya ang kahilingan nila.

Sa kabilang banda, nagpasalamat naman si Cristal Sibayan ang Regional Director ng LTFRB Region 1 sa mga nakilahok na kooperatiba upang ilaban ang pagpapatuloy ng nasabing modernisasyon.