Nasa 22 mga magsasakang na-stranded sa baha mula sa kanilang mga bukurin ang sinagip ng Bautista MDRRMO bunsod ng bagyong Maring sa Bautista, Pangasinan.
Ayon kay Wien Aloysius Cayabyab, Bautista MDRRM Officer, hindi raw inasahan ng naturang mga magsasaka ang mabilisang pagtaas ng tubig nang balikan ang kanilang mga alagang hayop, maging ng mga pananim dahilan ng kanilang pagkaka-stranded.
Pagbibigay diin nito na sa kasalukuyan ay wala namang mga residente sa naturang bayan ang kinailangang ilikas sa mga evacuation centers.
Samantala, siniguro naman ng kanilang tanggapan na bagaman may apat na barangay ang ikinukonsiderang low lying areas ay passable o madadaanan naman maging ng light vehicles ang kanilang mga kakalsadahan.
Laking pasasalamat na lamang umano ng kanilang tanggapan sa agarang pagtugon ng Pangasinan PDRRMO sa pagsagip sa naturang stranded farmers.