Patay ang 22-anyos na motorista matapos itong bumangga sa isang kongkretong bakod sa Brgy. Manambong Sur, sa bayan ng Bayambang.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga kapulisan, ang biktima na kinilala bilang si Boy Joel Buenaventura Jr., residente ng nasabing lugar ay nakasakay sa isang pulang Yamaha Sniper 150 motorcycle at habang dumadaan ito sa timog na direksyon sa naturang daan ay nawalan ito ng kontrol at tumama sa isang kongkretong bakod sa gilid ng daan.

Bumagsak ito sa daan 15 metro ang layo mula sa lugar na pinagbanggaan nito.

--Ads--

Bilang resulta, nagtamo ng mga injury ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito at dinala ito sa Bayambang District Hospital ngunit binawian din ng buhay habang sumasailalim sa pagpapagamot. //With reports of Bombo Adrianne Suarez