Arestado ang isang 22 anyos na government employee sa isinagawang joint buy bust operation saa barangay Nancayasan sa lungsod ng Urdaneta.
Ang naaresto ay isang high value target individual, Municipal Staff at residente ng Poblacion Norte, sa bayan ng Sta. Barbara,Pangasinan.
Ayon kay Richie Camacho, Provincial Officer ng Philippine Drug Enforcement, naaresto ito ng pinagsanib na puwersa ng Pangasinan Police Provincial Office at Urdaneta City Police Station kung saan nahuli ito nang magpanggap na Poseur Buyer ang isang tauhan ng PDEA.
Nakuha mula sa suspek ang isang piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 2.5 grams at nagkahalaga ng Php 8,000.00.
Nakuha rin sa kanyang posisyon ang (1) piece na genuine one thousand peso(1,000.00) bill, pitung piraso ng boodle money, isang piraso ng candy canister at isang unit ng cellphone.
Sa ngayon ay nagpapagtuloy ang imbestigasyon at inaalam ang mga kassamahan nito sa kanyang illegal drug transaction.
Nabatid na hindi lamang sa bayan ng Santa Barbara nagsasagawa ng transaction kundi sa mga karatig bayan.
May lead na rin sila kung saan kinukuha ang panindang droga.
Nap[ag alaman na nasangkot na rin sa illegal na droga noong siya ay menor de edad pa lamang.