Dagupan City – Isinailalim sa ebalwasyon ang 21 flood control projects sa Dagupan upang matukoy ang kasalukuyang estado ng mga ito at masigurong naipapatupad ayon sa itinakdang plano.
Kabilang sa mga sinuri ang mga drainage system, riprap protection, at iba pang imprastrukturang may kinalaman sa pagbawas ng epekto ng pagbaha.
Bahagi rin ng inspeksyon ang pagsusuri sa kalidad ng materyales, progreso ng konstruksyon, at pagsunod sa engineering standards.
Kasama sa grupo ng mga nagsagawa ng pagsusuri ang kinatawan mula sa city engineering, disaster risk reduction, at local police unit.
Ikinasa ang ebalwasyon bilang regular na bahagi ng monitoring process ng lokal na pamahalaan, partikular sa mga proyektong may kinalaman sa public safety.
Sa tulong ng regular na pagsusuri, inaasahang matutukoy kung aling bahagi ng mga proyekto ang nangangailangan pa ng pagpapabuti.
Patuloy ring binabantayan ang mga ito bilang paghahanda sa posibleng epekto ng tag-ulan at iba pang kalamidad.